Friday, March 13, 2009

Pagbabahagi ng aking saloloobin

Mahirap humanap ng tunay na kaibigan... hindi mo kilala kung sino nga ba ang totoo at kung sino ang hindi, kung sino ang nariyan pag kailangan mo at kung sino ang nariyan pag kailangan ka lamang, kung sino ang tatagal at kung sino ang agad na lilisan. Naranasan ko ang mga bagay na ito. Ngunit sa kasamaang palad ay tila puro mga negatibong epekto ang aking natatanggap mula sa mga taong aking tinuring na "kaibigan".

Minsan, ako'y nagtatanto sa aking nakaraan. Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito? Sino nga ba ang may problema, ako ba o sila? Bakit sila lumilisan at bakit kami nagkakalimutan? Dito ko naisip na sadya ata akong hindi maswerte sa pagpili ng mga kaibigan dahil walang tumatagal. Inisip ko na rin na maaaring ugali ko ang may problema kung bakit ako iniiwan ng aking mga itinuturing na kaibigan. Ngunit kung ugali ko ang naging problema, bakit pa nila ko naging kaibigan? Para sa akin, ang kaibigan ay ang taong tatanggap sa iyong buong pagkatao; maging ano ka man, sino ka man, o anong ugali meron ka man, ganyan ang kaibigan. Kaya't kung titignan natin, kung hindi tinanggap ng isang tao ang alin man sa mga bagay na aking nabanggit, malabong mabuo ang isang pagkakaibigan. Dapat ang isang pagkakaibigan ay hindi na umusbong...

Dahil na rin sa aking mga karanasan, naging mailap ako sa mga tao. Hindi na ko naging pala-kaibigan. Dito ko naisip na ang kaibigan ay isang salita lamang na kung saan ay maaaring gamitin sa mga taong nagkakasalamuhaan, ngunit sa dulo ang mga taong ito ay maaaring magkasawaan dahil na rin sa pagdating ng mga bagong kaibigan at sa huli, ang dating magkakasama ay magkakahiwalay at magkakadaupang palad na lamang kapag kailangan nila ang balikat ng isa't-isa. Maaari ngang ang kaibigan ay nariyan parin sa paglipas ng panahon ngunit, tulad nga ng aking sinabi, bumabalik lamang ang mga ito kapag kailangan nila ng taong masasandalan.

Maaari ngang "bitter" sa wikang ingles natin maituturing ang pananaw kong ito, ngunit ang lahat ng ito ay base sa aking karanasan lamang.

Tulad nga ng aking isinulat sa itaas, ako ay naging mailap sa mga tao. Naging isang tanong isang sagot ako upang hindi na ko magkaroon ng kaibigang sa huli ay iiwanan at kakalimutan lamang ako. Dito ako nagkaroon ng isang kaibigan na kung saan ay nagpabago ng pananaw kong iyon. Noong una ay ayoko buksan ang pinto ko sa kanya. Puro kasinungalingan lahat ng bagay na aking sinasabi upang hindi niya mahukay ang nakakubli kong sikreto - o mga bagay na nagpapatunay ng aking kamangmangan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay naging matalik kaming magkaibigan, at hindi ko na mabawi ang mga kasinungalingang aking nabitawan dahil ayoko masirang mula ang isang pagkakaibigan. Sa paglipas ng panahon, inamin ko rin ang ilang mga bagay na lubha niyang ikinagalit at dahil dito, hindi ko nabawi ang ilan pang mga kasinungalingan. Sinabi ko unti-unti ang mga kasinungalingan, na pinaniniwalaan kong mali sapagkat dapat ay sinabi ko na lamang ito ng isang bugsuan. Dito nasira ang aming pagkakaibigan at ngayon ay mayroon ng pader na naghihiwalay sa aming dalawa. Magkaibigan parin ngunit hindi na matalik at hindi na tulad na dati. Magkaibigan na tipong sa salita na lamang dahil sa lamat ng mga kasinungalingan, na alam kong ako ang may kasalanan. Alam kong hindi niya mababasa ang mensahe kong ito ngunit kahit paulit-ulit ko nang sinabi sa kanya nais ko lamang humingi ng kapatawaran at sana ay isa pang pagkakataon upang malinis ko ang aking pangalan. Nais ko kami muling maging matalik na magkaibigan ngunit sinabi niya na ito ay hindi na mangyayari kailan pa man... At sa huli eto, ako nanaman ang talo, sapagkat kung kailan ako nagkaroon ng tunay na kaibigan, doon naman ako nagkamali ng hakbang - hakbang na muling nagpapatunay ng aking kamangmangan. Kaya't ang maipapayo ko sa inyo, sa lahat ng taong makikilala ninyo, huwag ninyo ikubli ang totoong kayo dahil posibleng ang taong iyon ang isa sa mga kaibigang hindi ninyo kakayaning mawala at kung sakaling magaya kayo sa aking karanasan, tiyak na aabutin ng pag-ulan nyebe sa Pilipinas bago ninyo maibsan ang dwelo ng inyong konsensya.

Sulat para sa kaibigan:

(Pasensya na't sa wikang ingles nakasulat ang liham na ito, ayoko nang baguhin o isalin ang sulat sapagkat ito ang tunay kong nararamdaman noong mga panahong isinulat ko ang liham na ito, ngunit ito ay hindi ko ipinabasa sa aking kaibigan dahil tiyak na iisipin lamang niya na ito ay isa lamang sa maraming "sorry" na aking binitiwan sa kanya; Isinulat ko ito noong kopong kopong, at hanggang ngayon ay nasa drafts ko parin)

Hey what’s up? Obviously I got nothing to do here right now that’s why im writing this message. The reason might be quite apparent.. I just want to say “I’m sorry”.

I’ve been stupid for years regarding our friendship and I’ve been such an idiot in saying all those crappy things just to laud myself. I dunno but I just said those things before to exalt myself and for you not to think any negative things regarding my actions, words, or deeds which I know is not right. I can say that lying is my comfort zone and I hate doing it.. But it did.

Maybe one of the reasons why I said those things two years before was because I envied you. You easily meshed with the people at mcdonalds during your first month and everybody likes you. I always hear my batchmates conversing with each other regarding you and your so-called "superb" characteristics, and I’m always talking to myself “What’s the big ruckus with this person, he’s just tall.. that’s all”. I’m actually irritated at that time because even you don’t do anything against me, the people around me keeps on comparing us. I know it may sound stupid but at least I want to have an edge against you, that’s why when you asked me regarding those things… I lied.

We became good friends, I became more and more inquisitive on things. And I know that you too... that’s why i lied in order for me to explore my curiosity without being questioned and looked at – since I’m a noobie in doing all those craps, and so you are.

As time goes by, you tagged me as your best friend. At that time, I can’t take back all the things that I’ve said to you coz every time I take a crack at it, I feel awkward. I remember when I first admit that I lied… you’re really pissed that’s why I decided that time not to tell you everything. The second time I admit you that I lied, you got mad and it almost triggers to end our friendship. The third time I admit that I lied, you don’t care that much coz you don’t consider me as your best friend anymore (because of other reasons which I know that you know) that’s why recently I decided to tell you everything, thinking and hoping that if I tell you the truth, we can start from the scratch, a real start. Hence, it entraps me even more. Honestly, I’m feeling guilty right now… I dunno what to say, I know sorry is not enough but I can’t do anything besides that.
It’s almost three years… sometimes its bugging me, but im afraid to tell you those things before because I know that I have lied to you a lot of times, and I also think that you don’t deserve to be betrayed that’s why I don’t want to divulge another lie.

Before, I thought we’re coalescent but as time passed by, I’ve seen the gaps and slits which I evade coz im still expecting us to be “best friends” even though I know and see people around you whom you share the same passion and interests, that are more suited and deserving to be called as the best.

I’m not perfect. I know I’m not the best neither the better nor the good. I’m not saying this to clean my name. I just want to say I’m sorry and I really do. After I told you the last piece of the puzzle - or my lies, I really didn’t know what to say or act coz I know that it erased my final chance in regaining the “best” tag. Right now, I don’t know if I still deserve to be your friend, coz im a big fat liar. I don’t want to be rejected anymore just like my previous friends, but I think in this situation I deserve to be rejected.

I know, I cant regain your trust, and I think that is the most important thing in friendship. I just want to say sorry and hope you’ll develop a good friendship with your new friends and strengthen you bond with your highschool friends.

Thursday, March 5, 2009

Pangako

Matagal-tagal din mula nung huli akong nakapagpost, ano bang silbi ng pagbibitaw ng isang salita kung hindi mo naman ito matutupad? Hindi ba parang nawawala rin yung presensya ng pangako kung ito ay hindi rin matutupad? Gaya ng sinabi ko nung huli kong "post" sinabi ko na iuupdate ko ang blog na ito 2-3 araw mula nung huli kong pagpopost ngunit ang pangakong iyon ay hindi ko natupad at eto, ngayon lamang ako nagpopost.

"Pangako"

Isang salitang sadyang madalas nating bitiwan sa ibang tao, ngunit madalas ding hindi natutupad. Ano ba ang silbi ng pagsasabi ng isang pangako kung hindi mo ito mapapanindigan? Halimbawa na lamang, nagkaron kayo ng usapan ng iyong mga kaibigan na kayo ay magkikita-kita sa Luneta ng 10 ng umaga, at ikaw ay dumating ng 10:30, hindi ba ito isang paraan ng pagsira sa pangako (alam ko na nasa Pilipinas tayo, at ito ay nakasanayan nang kaugalian ng mga pilipino ang - filipino time) na kung saan ay kung paulit-ulit mong ginawa ay maaaring magdulot ng pagkawala ng silbi ng pagsasabi ng isang pangako... Kung iisipin natin ng maigi, maraming tao ang ganito, na akala nila ay ayos lang mahuli dahil ayon ito sa nakasanayan ng nakararami, ngunit hindi. Sinisira ng pagsira ng pangako ang isang pangako na kung saan ay maaaring magsanhi ng pagkasira ng pangako mismo. Bakit kailangan pa natin gamitin ang salita kung pawang pagsira lamang dito ang parati nating ginagawa?

Hindi lamang sa mga ganitong pangyayari nagaganap ang pagsira ng pangako, isa pang magandang halimbawa nito ay sa relasyon. Madalas pag mayroon tayong kasintahan, madalas natin sinasabing walang iwanan, o mamahalin kita habambuhay. Pero bukas makalawa, makikita mo magkahiwalay na... isa nanamang paraan ng pagsira ng pangako. Maaari ngang nakakaantig pakinggan ang mga salitang iyon ngunit kung hindi mo naman mapapanindigan, bakit kailangan mo pang sabihin? Ika nga nila "Action speaks louder than voice". Maaari mo namang iparamdam ang iyong pagmamahal sa isang tao ng hindi nagbibitaw ng isang salitang di mo kayang panindigan. Mas mainam na maiparamdam mo ito at huwag ng magsalita dahil mula 'ron ay maaari itong magbunga ng mas mabuting pagsasama.

Sa pagkakaibigan ay ganon rin, kadalasan sa hayskul sinasabi natin ang katagang "friends for ever" o "friends for life" sa ilan nating mga kaibigan, ngunit sa paglipas ng panahon ang friends for ever ay unti unting nalalagasan ng letra hanggang sa minsan ay ang friends ay nagiging friend na lamang. Kung titignan mo, dalawang bagay lamang ang permanente sa mundo. Una ang "pagbabago" at ikawala ang "katotohanan". Maaari ngang may mga pagkakataong binabaluktot ng ilan ang katotohanan ngunit hindi natin maaalis na ang tunay na katotohanan ay ang talagang totoo. Gayon din sa pagbabago. Ang dalawang ito ay constant; at kung ito ay isasapuso natin, maiisip natin ng maigi na tayo ay hindi dapat basta na lamang nagbibitaw ng mga salita na hindi natin kayang panindigan, ika nga sa ingles: "Breaking your promise, defeats the purpose of your promise and the word itself".

Kailangan lamang natin na magkaroon ng prinsipyo sa mga bagay na ating ginagawa, hindi lamang basta salita, dapat ay pati rin sa gawa. Nakakapagpalubag loob nga naman kung minsan makarinig ng matatamis na salita at nakakapagpagaan ng loob na mga kataga, ngunit dapat natin tandaan na hindi ang tamis ng salita ang mahalaga kundi ang pagpapatupad sa mga salitang binitawan. Mas maiging sabihin ang masasakit na salita at ito ay mapanindigan, kaysa magsabi ng mabubuting salita na pawang sa simula lamang nagiging makatotohanan.

Saturday, January 31, 2009

Panimula

Ako ay isang "patay na bata" kung ihahalintulad natin ang paraan ng paglalarawan sakin 'nong mga taong pinaniniwalaang astig sila. Pero hindi ko alam, dahil alam ko namang buhay na buhay ako, at hindi ako patay. Dahil nabubugnot ako, naisipan kong gumawa ng blog upang ilabas ang aking saloloobin sa ilang mga bagay-bagay, dahil sabi nung ilan kong kakilala eh maganda raw na magkaron ka ng blog kahit papano.

Hindi ko pangarap maging manunulat, ngunit pinangarap ko ito noong ako ay bata pa lamang. May ilan na kong nagawang mga tula at nobela na masasabi kong pang oscars talaga. Inalok na nga ako ng tokyoTV na gawing anime ang storya na ginawa ko pero ito ay tinanggihan ko lang (pero syempre, self-proclaimed lang yun.. baka naman maniwala ka). Pero ang intensyon ng blog na ito ay hindi para matupad ang dati kong pangarap, kung hindi para maibsan ang aking kabagutan.

Napag-isipan kong isulat sa wikang filipino ang blog na ito hindi dahil pulpol ako sa english, naisip ko itong isulat sa wikang filipino dahil tingin ko ay gasgas na ko sa pagsasalita ng sarili nating wika kumpara sa banyagang salita. Philippine National Anthem nga di ko na kabisado, kinailangan ko pa isearch kay kumpareng google yung lyrics para matandaan ko.

Tulad ng sinabi ko, ang blog na ito ay produkto ng kabagutan, kaya't magsusulat lamang ako rito pag ako ay nababagot. Kaysa naman gawin ko yung nasa lyrics ng "dont touch my birdie" ng Parokya ni Edgar pag ako e nabubugnot, nakakalason ng isipan 'yon. Kaya tingin ko, ito ang pinakamainam na paraan upang maibsan ko ang mga patay na oras sa buhay ko.

Hindi pa ko magsisimulang magsulat dahil tulad nga ng title panimula pa lang ito. Siguro bukas o makalawa malalagyan na ito ng bagong post. Dahil sigurado ako ay walang gagawin bukas at sa makalawa. :-)