Saturday, January 31, 2009

Panimula

Ako ay isang "patay na bata" kung ihahalintulad natin ang paraan ng paglalarawan sakin 'nong mga taong pinaniniwalaang astig sila. Pero hindi ko alam, dahil alam ko namang buhay na buhay ako, at hindi ako patay. Dahil nabubugnot ako, naisipan kong gumawa ng blog upang ilabas ang aking saloloobin sa ilang mga bagay-bagay, dahil sabi nung ilan kong kakilala eh maganda raw na magkaron ka ng blog kahit papano.

Hindi ko pangarap maging manunulat, ngunit pinangarap ko ito noong ako ay bata pa lamang. May ilan na kong nagawang mga tula at nobela na masasabi kong pang oscars talaga. Inalok na nga ako ng tokyoTV na gawing anime ang storya na ginawa ko pero ito ay tinanggihan ko lang (pero syempre, self-proclaimed lang yun.. baka naman maniwala ka). Pero ang intensyon ng blog na ito ay hindi para matupad ang dati kong pangarap, kung hindi para maibsan ang aking kabagutan.

Napag-isipan kong isulat sa wikang filipino ang blog na ito hindi dahil pulpol ako sa english, naisip ko itong isulat sa wikang filipino dahil tingin ko ay gasgas na ko sa pagsasalita ng sarili nating wika kumpara sa banyagang salita. Philippine National Anthem nga di ko na kabisado, kinailangan ko pa isearch kay kumpareng google yung lyrics para matandaan ko.

Tulad ng sinabi ko, ang blog na ito ay produkto ng kabagutan, kaya't magsusulat lamang ako rito pag ako ay nababagot. Kaysa naman gawin ko yung nasa lyrics ng "dont touch my birdie" ng Parokya ni Edgar pag ako e nabubugnot, nakakalason ng isipan 'yon. Kaya tingin ko, ito ang pinakamainam na paraan upang maibsan ko ang mga patay na oras sa buhay ko.

Hindi pa ko magsisimulang magsulat dahil tulad nga ng title panimula pa lang ito. Siguro bukas o makalawa malalagyan na ito ng bagong post. Dahil sigurado ako ay walang gagawin bukas at sa makalawa. :-)

No comments:

Post a Comment